Pagod si Chai.
Sobrang pagod.
Sa buhay minsan kailangan mong magsakripisyo. Minsan kailangan mong magparaya. Minsan kailangan mong isipin na ikaw lang mag-isa sa mundo para hindi ka umasa sa iba.
Pero dahil sa ginagawang mong yon may mga taong natutuwa at hindi natututo. Hindi natututo at kapalit ng mga bagay na nagpahirap sayo ay ang kaligayahan at kaginhawahan nila.
Kung tutuusin maganda sa pandinig.
Ginawa mo ang bagay na yon para sa kanya.
O kaya naman ay..
Ginawa mo ang bagay na yon para sa kanila.
Parang bayani ang dating. Nakakabango ng pangalan at nakakataas ng pagkatao. Subalit sa likod ng mga papuri, natanung mo ba ang sarili mo kung naging masaya ka at para saan ginagawa mo?
Sa araw araw na ginawa ng Diyos ang mundo, nakatuon lang talaga ang atensyon ko sa pamilya ko. Sa buhay ko. Limitadong paki-alaman ko ang buhay ng iba, depende na lang kung mahalaga din sya sa buhay ko. Wula naman sigurong masama sa pagpapakita na nag-aalala ka, ganoon pa man alam nya na wula kang hinihinging kapalit sa pinapakita at pinaparamdam mo.
Yong tipong nagpapaalala dahil ayaw mo syang mapasama? Pwede rin ang ung tipong minumulat mo ang mata nya sa pwedeng mei hindi magandang mangyari kapag hindi nya ginawa yon at inuna ang ibang bagay. O kaya naman ay ang madalas na pagsasabi at pagpapaalala na gawin mo yan dahil para din naman yan sa ikabubuti mo.
Pero bakit minsan may mga tao yatang sadyang ang tingin sa ginagawa mo ay mali. Kahit sabihin mo ng paulit ulit ang dahilan. Parang isang puting papel. Tuldukan mo. Ano ang unang mapapansin? Ang dumi. And tuldok. Pero ang malinis na parte ay parang wula lang.
Masarap sa pakiramdam na napapasaya mo ang taong mahal mo. Masarap din sa pakiramdam na natutulungan mo ang mahalagang tao sa buhay. Pero syempre ang pinakamasarap sa pakiramdam ay kapag nakikita at nararamdaman mo na pinapahalagahan ng taong iyon ang mga bagay na ginagawa mo para sa kanya.
Masakit isipin na minsan ang tingin nya ginagawa mo lang iyon para sa sarili mo. Para lang sa ikabubuti mo. Pero, madalas yata ay nangyayari na yon.
Mas mabuti pa tuloy na manahimik ka na lang. Huwag ng maki-alam sa iba. Sino ka nga ba? Kahit paulit-ulit mong sabihin na "para din naman sa atin to" wala din. Parang nagsalita ka sa hangin.
Kaya bago pa sumama ang loob mo tigilan mo na.
Magtatanong sya : Sumagot ka
Ngingiti sya : Ngumiti ka
Makikipagusap : Makisama, makipagusap
Pero kung wula? Di wula.
Magulo. Ang gulo ng mundo. Wag ng gawing kumplekado.
^itutulog ko na lang to..

0 Critiques:
Post a Comment